Ito ay isang serye ng sangguniang aklat na inihanda para sa mga mag-aaral at guro ng Baitang 7 hanggang 10. Tinutugunan nito ang pangangailangan kapuwa ng mga guro at mag-aaral sa pag-aaral ng mga batayang paksa alinsunod sa K to 12. Tinitiyak nito na sa bawat aralin ay nalilinang ang mga makrokasanayan sa pakikinig, pagsasalita, panonood, pagbasa, at pagsulat. Lalo pang pinagyaman nito ang mga komunikatibong gawain sa pagbasa at gramatika para sa pagtamo ng layuning malinang ang mapanuring pag-iisip at mapaunlad ang pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan. Tiyak na kagigiliwan ng mga mag-aaral ang mga gawaing inihanda sapagkat isinaalang-alang ang kanilang katangian bilang mga mag-aaral sa ika-21 siglo.
Ang aklat na ito ay pinamagatang Vinta Paglalayag sa Wikang Filipino sapagkat mapagtatanto ng mga mag-aaral na ang pagkatuto ay tulad ng isang paglalakbay. May paghahanda bago simulan ang paglalakbay. May paggalugad ng mga kaalaman sa gitna ng paglalakbay kung saan nangyayari ang pagtuklas, pagsuri, at paglikha ng mga bagong ideya.
MAY-AKDA
|
G. Jesus Joseph D. Ignacio (Koordineytor)
Bb. Raquel T. Cabardo
G. Gregorio M. Rodillo
Bb. Zenaida Z. Agbon
Bb. Joanna Marie D.C. Oliquino
Bb. G. Reggie M. Parico
G. Mario L. Tolentino
G. Efren J. Domingo
|
SUKAT NG AKLAT
|
8.0” x 10.5”
|
BILANG NG PAHINA
|
Gr. 7- 448, Gr. 8 - 336
Gr. 9 (Aklat 1) - 288, (Aklat 2) -368 Gr. 10 (Aklat 1) - 304, (Aklat 2) -272 |
KARAPATANG-ARI
|
2023
|
GRADE 7
Yunit I Panitikan Ng Mindanao: Katangi- Tanging Lahi
Yunit II Panitikan Ng Visayas: Mayamang Kultura
Yunit III Isulong Ang Kultura
GRADE 8
Yunit I Salamin Ng Kahapon... Bakasin Natin Ngayon
Yunit II Sandigan Ng Lahi...Ikarangal Natin
Yunit III Kontemporaneong Panitikan Tungo Sa Kultura At Panitikang Popular
GRADE 9 (Aklat 1)
Yunit I Kultura’t Tradisyon Ng Mga Bansa Sa Timog Silangang Asya
Yunit II Pagpapalawig Ng Adhikain Ng Silangang Asya
Yunit III Mga Akdang Pampanitikan Ng Kanlurang Asya
GRADE 9 (Aklat 2)
Noli Me Tangere
GRADE 10 (Aklat 1)
Yunit I Akdang Pampanitikang Mediterranean
Yunit II Akdang Pampanitikan Ng Timog Amerika At Mga Bansang Kanluranin
GRADE 10 (Aklat 2)
El Filibusterismo