Ang aklat na ito sa Araling Panlipunan ay nakabatay sa MATATAG curriculum ng Kagawaran ng Edukasyon, at nilalayon nitong hubugin ang mga mag-aaral bilang makabansa, mapanuri, at responsableng mamamayan. Nakatuon ito sa pagpapalawak ng pananaw ukol sa lipunan, kultura, kasaysayan, at ugnayang lokal at pandaigdig, gamit ang makabuluhang aralin at pagsasanay. Bukas ito sa multilingguwal na komunikasyon upang pagtibayin ang koneksiyon ng katutubong karanasan sa daigdigang konteksto. Nahahati ang aklat sa apat (4) na yunit na organisado ayon sa mga temang itinakda sa MATATAG curriculum, na bawat isa ay binubuo ng apat hanggang anim na aralin na tumutugon sa mga tiyak na layunin sa pagkatuto.
| MGA MAY-AKDA |
G. Alfredo A. Lozanta, Jr. Bb. Ruby Ann C. Gali Bb. Everlida D. Jimenez G. Ferdinand Pol L. Martin Bb. Ma. Clarissa T. Guiterrz G. Arnie G. Dizon |
| SUKAT NG AKLAT | 8.0” x 10.5” |
| BILANG NG PAHINA | Gr. 7 - 224 Gr. 8 - 400 Gr. 9 - 256 Gr. 10 - 256 |
| KARAPATANG-ARI | 2024-2026 |
Kalakip ng mga Aklat na ito ay ang Gabay sa Pagtuturo na makatutulong sa mga guro sa paghahanda ng kanilang aralin. Ang mga gabay na ito ay nagbibigay ang mga mungkahi kung paano matatalakay ang mga aralin, at mga inaasahang sagot sa mga tanong sa pagtalakay.
Pintungan Newsletter
Ipinakilala sa seryeng ito ang PINTUNGAN Newsletter! Ang Pintungan Newsletter ay naglalayong mailimbag ang mga opinyon, artworks, at ilustrasyon ng mga estudyanteng makikilahok sa isang tema para sa isang isyu.
Pintungan Shirt
Ang mga estudyanteng may-akda ng mga mapipiling entry na maitatampok sa Pintungan Newsletter ay makatatangap ng PINTUNGAN T-Shirt bilang pagkilala sa kanilang mga natatanging akda at portrayal.





