Ang aklat na ito ay isang serye ng sangguniang aklat na inihanda para sa mga mag-aaral at guro ng Baitang 7 hanggang 10. Tinutugunan nito ang mga pangangailangan ng guro at mag-aaral sa pag-aaral ng mga batayang paksa alinsunod sa kurikulum ng K to 12. Tinitiyak nito na sa bawat aralin ay nalilinang ang mga makrong kasanayan na pakikinig, pagsasalita, panonood, pagbasa, at pagsulat. Lalo pa nitong pinagyaman ang mga komunikatibong gawain sa pagbasa at gramatika para sa pagtamo ng layuning malinang ang mapanuring pag-iisip at mapaunlad ang pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan.
Sa bagong edisyong ito ng aklat ay nagdagdag din ng bahagi upang matiyak na mapalalawak ang kultural na literasi ng mag-aaral. Tiyak na kagigiliwan ng mag-aaral ang mga gawaing inihanda sapagkat isinaalang-alang ang kaniyang katangian bilang mag-aaral sa ika-21 siglo.
Ang aklat na ito ay pinamagatang Vinta: Paglalayag sa Wikang Filipino sapagkat mapagtatanto ng mag-aaral na ang pagkatuto ay tulad ng isang paglalakbay. May paghahanda bago simulan ang paglalakbay. May paggalugad ng mga kaalaman kung saan nangyayari ang pagtuklas, pagsuri, at paglikha ng mga bagong ideya. Sa dulo ng paglalakbay, may pagninilaynilay sa mga natutuhan at sa prosesong pinagdaanan tungo sa pagkatuto.
|
MAY-AKDA
|
G. Jesus Joseph D. Ignacio
Bb. Menere R. Nasiad
Bb. Laniflor B. Adigue
G. Steve Kevin E. Solis
Bb. Larraine Fernando-Riparip
G. Jayson Czar De Campo
|
|
SUKAT NG AKLAT
|
8.0” x 10.5”
|
|
BILANG NG PAHINA
|
Gr. 7- 448
Gr. 8 - 336
Gr. 9 - 288 Gr. 10 - 304 |
|
KARAPATANG-ARI
|
2025-2026
|
Ang seryeng ito ay nagtataglay rin ng Gabay sa Pagtuturo upang mabigyan ng magandang direksyon ang metodolohiya ng guro sa pagtuturo ng mga aralin. Ito ay mga saklaw ng nilalaman ng Gabay sa Pagtuturo na nakatugma sa pagkakasunod-sunod ng mga aralin sa teksbuk.
Multimedia Resources for Panitikan Series
• The Multimedia Resources for Panitikan Series for Grades 7 to 10 aims to help the students to understand and to engage them in diff erent Filipino Literature.
• This also aims to utilize the diff erent resources available nowadays. The Multimedia Resources for Panitikan Series are also accessible via edebéOn.





