Trunkline: (02) 816-1519 / 892-1888 / 893-9876 / 893-2760

Panitikan

Salesiana Textbooks is Don Bosco Press, Inc.’s flagship product line. The aim of every Salesiana Textbook is to aid the teachers in the wholistic formation of his or her students.

Panitikan
Ang mga akdang sumusunod ay hinabi sa wikang pinagyamang Filipino at isinalin sa Ingles upang pumalaot ang mga taglay na marikit na karunungan sa pandaigdigang panitikan.

Nagsalin, Sumuri, at Nagsaayos ng Serye

G. Virgilio S. Almario

  • Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay salin sa Filipino ni Virgilio S. Almario na isang pinagpipitagang makata, kritiko, editor, tagasalin, guro, at dating dekano ng Kolehiyo ng Arte at Letra sa Unibersidad ng Pilipinas. Naging editor-in-chief din siya ng Bulawan, isang National Journal sa Sining at Kultura na inilathala ng National Commission for Culture and Arts.
  • Noong 2003, iginawad sa kaniya ang karangalang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan (National Artist for Literature) dahil sa kaniyang pambihirang talino at dedikasyon tungo sa pagsulong at paglaganap ng Panitikang Filipino.
  • Parehong 2000 National Book Awardee: Pinakamahusay na Pagsasalin sa Filipino ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni G. Virgilio Almario.

Gng. Soledad Lacson-Locsin

  • Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay parehong salin sa Ingles ni Soledad Lacson-Locsin ng Talisay, Negros Occidental. Nagtamo siya ng edukasyon sa Espanyol at Ingles sa Assumption Convent, at nagsulat sa ibat ibang publikasyon at lathalain sa Ingles at Espanyol. Siya ang nagtatag at naging Direktora ng Casanova School sa Siyudad ng Bacolod.
  • Tinanggap niya ang imbitasyong isalin sa Ingles ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa edad na 86, pumanaw sa gulang na 88, matapos ialay ang mga isinaling obra maestra.

G. Mario L. Tolentino

  • Si Mario L. Tolentino ang nagsalin sa Ingles ng Ibong Adarna at Florante at Laura. Siya rin ang sumurit gumabay sa Paraang UbD ng Noli Me Tangere.
  • Produkto siya ng UST Education High School 72 at AB Communication Arts sa naturang pamantasan. Likas na hilig niya ang pagsulat at pananaliksik mapa-Ingles o mapa-Filipino simula pa ng kanyang kabataan. Tula, maikling kwento, sanaysay, at mga piyesang pang-oratorikal sa Ingles at Filipino na kadalasang ginagamit sa mga patimpalak oratorikal ang hanggang sa ngayon ay pinagkakalibangan at pinagkakaabalahan ng may-akda.
Bb. Raquel B. Tesorero

  • Ang sumurit nagsaayos ng Si Don Juan at Ang Ibong Adarna ay nasa ikawalong taon ng pagtuturo ng Filipino sa Don Bosco Technical Institute, Makati.
  • Tinapos niya ang Bachelor of Science in Secondary Education, major in Filipino sa Philippine Normal University.

Gng. Aurora E. Batnag

  • Isa sa nagsaayos at naglapat ng UbD sa El Filibusterismo na salin sa Filipino ni Virgilio S. Almario.
  • Siya ay dating Direktor III sa Komisyon sa Wikang Filipino. Nagtapos siya ng Ph.D. Linguistics sa Philippine Normal University at ng Advanced Certificate Course in Translation sa Regional Language Centre sa Singapore. Nagtamo siya ng mga gantimpala sa pagsulat ng mga kwentong pambata, kabilang ang PBBY Salanga Writers Prize, at nakapaglathala ng mga pag-aaral na pangwika. Marami na rin siyang nalathalang pampanitikang salin, kabilang ang “Si Alice sa Daigdig ng Hiwaga” (salin sa Filipino ng “Alice in Wonderland” ni Lewis Caroll), “Takipsilim sa Dyakarta” (salin sa Filipino ng “Twilight in Djakarta” ni Mochtar Lubis), at iba pa.

G. Gregorio M. Rodillo

  • Isa sa nagsaayos at naglapat ng UbD sa nobelang El Filibusterismo ay ang dating Puno ng Kagawarang Filipino sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
  • Bilang guro, nagtamo siya ng mga sumusunod na parangal: PLM Ulirang Guro Award (1988), CAS PLM Professor of Excellence (1997), at Outstanding College Teacher of the Year, Araw ng Maynila (1988). Nagkamit ng mga unang gantimpala sa Textulapinoy: Dalitext, Textsawikain, sa taguyod ng NCAA, UP ICW, UMPIL, at FIT
  • Ko-awtor din siya ng mga aklat-aralin sa mataas na paaralan

Patnugot: Gng. Ma. Luisa G. Macalalad