Paglalarawan Ng Serye
SALIMBAY: Mabilis na paglipad, pagsakay sa ihip ng hangin, pag-akma sa takbo ng panahon. Naaayon sa layunin ng aklat na ito ang kahulugan ng salitang SALIMBAY. Ang teksbuk na SALIMBAY: Mga Teorya at Praktika ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay pagtugon sa mga kahingian at pangangailangan ng bagong kurikulum ng Filipino sa ilalim ng K to 12. Gaya ng akto ng paglipad, ang mga aralin sa teksbuk na ito ay nagsisimula sa “lupa” – sa mga pinakapayak at batayang impormasyon – tungo sa mas mapanghamon at mas matataas na antas ng kaalaman at kasanayan, na animo “alapaap” na nararating sa pagsalimbay.
Detalyadong Paliwanag Tungkol Sa Aklat
MGA MAY-AKDA |
G. David Michael M. San Juan |
SUKAT NG AKLAT | 8.0’’ x 10.5’’ |
BILANG NG PAHINA | Salimbay: Mga Teorya at Praktika ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - 144, Salimbay: Teorya at Praktika sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang TekstoTungo sa Pananaliksik - 176, at Salimbay: Filipino sa Larangang Akademiko- 112 |
PATNUGOT | G. Genaro Cruz (Salimbay: Mga Teorya at Praktika ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino at Salimbay: Teorya at Praktika sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang TekstoTungo sa Pananaliksik) at Bb. Catherine Joie C. Tagalan (Salimbay: Filipino sa Larangang Akademiko) |
TAON NG PAGKAKALATHALA | 2015 |